Breaking

Sunday, March 6, 2016

Paano pumunta sa ABS-CBN Corporation (ELJ Building)



FROM: Taguig, Makati, Mandaluyong, Shaw, Pasay, etc.,

Option #1: BUS. pwede kang sumakay sa kahit anong BUS na papuntang NORTH, bumaba ka lang sa Quezon Ave. o sabihin mo sa kundoktor/driver na sa Centris Mall o Quezon Ave. ka bababa. Pagkababa mo ng bus, dahil nasa north bound lane ka, gumamit ka ng footbridge para makapunta ka sa south bound lane. Kapag MRT footbridge ang ginamit mo, dapat sa pagbaba  mo, may makikita kang KFC at Mcdo sa kaliwa mo, doon ang Panay Ave. may makikita kang sakayan ng tricycle dun. Sakay ka sa tricycle at sabihin mo sa driver na sa ELJ. Kung ayaw mong mag tricycle, pag ka baba mo ng MRT footbridge, kumanan ka (papuntang Mother Ignacia ave./st.), diretsuhin mo lang yung mother ignacia st., makikita mo na agad yung ABS CBN.

Option #2: MRT EDSA. Sakay kang MRT papuntang Quezon Ave. station. Bumaba ka dapat sa South bound lane. pagkababa mo ng hagdan/elevator, tingin ka sa kaliwa mo, dapat makikita mo yung KFC o McDo, sa gilid ng KFC may sakayan ng tricycle. Sakay ka sa tricycle at sabihin mo sa driver na sa ELJ Kung ayaw mong mag tricycle, pag ka baba mo ng MRT footbridge, kumanan ka (papuntang Mother Ignacia ave./st.), diretsuhin mo lang yung mother ignacia st., makikita mo na agad yung ABS CBN.


FROM: BULACAN, PAMPANGA, CABANATUAN (via Baliwag Transit/ES/any bus going to EDSA)

Sabihin mo sa kundoktor na sa Quezon Ave. ka bababa. Ang bus stop ng provincial buses ay sa gitna. bawal sila magbaba sa quezon ave mrt station. pagka baba mo ng bus, gamit kang footbridge, tignan mo kung saan mo makikita ang 7 11 (south bound lane) dahil doon ka dapat bababa. kapag nasa tapat ka na ng 7 11, punta ka sa tapat ng McDo, sa tapat ng Mcdo o sa exit drive thru ng mcdo, dapat may makikita kang sakayan ng tricycle, sakay sa tricycle at sabihin mo sa driver na sa ELJ.

No comments:

Post a Comment

Itanong mo, Sagot Agad